Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Pagbawal sa angkas binasura ng CA

Idineklara ng Court of Appeals na labag sa Konstitusyon ang ordinansa ng Mandaluyong City na nagbabawal sa angkas sa motor, matapos magsampa ng reklamo sa nabanggit na hukuman ang isang abogado na natiketan sa paglabag sa nasabing ordinansa.

“Mandaluyong City Ordinance Nos. 550 S-2014, 595 S-2015, and 694 S-2018 are hereby declared unconstitutional. The City of Mandaluyong is prohibited from enforcing and implementing Mandaluyong City Ordinance Nos. 550 S-2014, 595 S-2015, and 694 S-2018,” pahayag ng CA sa desisyon ni Associate Justice Raymond Reynold Lauigan.

“Respondent-appellee City of Manda­luyong, and all persons or entities acting on its behalf or under its authority, are prohibited from enforcing and implementing Mandaluyong City Ordinance No. 550, S-2014, 595, S-2015 and 694, S-2018,” dugtong pa nito.

Ang naghain ng kaso ay si Atty. Dino De Leon, na nahuli noong Marso 7, 2019 dahil sa pag-commute sa pamamagitang ng app na ‘Angkas’.

Nagprotesta si De Leon at unang nagreklamo sa Traffic Management Department ng Mandaluyong.

SM food to go Banner Ad

Ngunit kinontra ito at sinampahan pa siya ng kasong kriminal.

Umabot sa CA ang petisyon ni De Leon matapos itong ibasura ng Mandaluyong Regional Trial Court.

Sa nasabing ordinansa, ang mga puwede lamang umangkas sa motor sa lungsod ay mga edad pito hanggang 10 at mga kaanak ng driver.

Ito ay ipinatupad upang mapigilan umano ang mga krimen sa Mandaluyong na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem. (Mark Joven Delantar)