Tahimik, walang reaksyon at tila walang pakialam ang aktor na si Paulo Avelino sa current relationship status ni LJ Reyes.
Si LJ, ang biological mother ng anak ni Avelino na si Ethan Akio. Dahil Dito, marami ang mausisa sa thoughts at feelings nito ngayong engaged na si Reyes.
Ang diva that you love, nagpadala sa pamunuan ni Paulo at hiningi ang opisyal na reaksyon nito sa kaganapan. Ang maagap na tugon ni ginoong Leo Dominguez, manager nito: “Ay, no comment naman iyan lagi.”
Makatwiran naman na ‘di na mag-comment pa si Paulo sa relasyon ni LJ dahil tapos na naman talaga ang kanilang romansa sa isa’t-isa.
Base sa mga larawan ni Reyes, she has found her new forever at happily ever after .Tiyak may stamp of approval rin ang panganay niyang si Aki sa bago niyang minamahal.
Ngayong engaged na si LJ, eh ang engagement kaya ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez, kailan kaya ia-anunsyo? Kaloka!
Hindi pa nga umaamin ang dalawa na in a romantic relasyon sila, uurutin na natin sa engagement ang dalawa? Ang happy development naman nun.
(Alwin Ignacio)