Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Paulo nag-alok ng tulong: LJ ‘di pa kayang patawarin si Paolo

Nasa proseso pa lang daw si LJ Reyes na mapatawad niya ang ano mang ginawa sa kanya ni Paolo Contis.

Hindi kasi talaga sinagot ng diretso ni LJ si Kuya Boy Abunda sa naging exclusive interview nito sa kanya habang nasa restaurant sila ng ina ni LJ na “The Buren” sa Brooklyn, New York City sa tanong kung napatawad na ba niya ito.

“It’s a work in progress. Ipinagdarasal ko na mapatawad ko siya because I know, if I don’t forgive him, this very dark emotion will just eat me up and I won’t be able to move on with my kids ng maayos. Siyempre, may pain, hindi mawawala ‘yun.

“Everyday, I always pray na sana kapag gumawa ako ng decision, it will always be based on God’s will. I really need to forgive not forget,” sey niya.

At kung si Paolo na ama ng bunso niya na si Summer ay never pang nag-reach-out, nag-effort na mangamusta, iba naman si Paulo Avelino na ama ng panganay niya na si Aki. Kinakamusta raw sila nito at nagsabi rin na alam na she’s going through a lot now at basta may kailangan si LJ, lalo na kay Aki, sabihan lang siya.

Sa huli, natawa naman si LJ dahil sa tanong ni Kuya Boy kung sometime in the future raw, pupunta ito sa Baguio with “friend.”

“Yes, Tito Boy. I’m proud of Baguio as Filipino and maraming pwedeng puntahan doon. Maraming pwedeng kainan, yes, actually po, Paulo Avelino is from Baguio. So may family do’n si Aki, so pupunta talaga kami do’n,” ang natatawa nitong sagot. (Rose Garcia)