logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo logo
star Bookmark: Tag Tag Tag Tag Tag
Philippines

Philhealth at SSS members bida

Sa wakas ay isa nang ganap na batas ang Universal Health Care (UHC) Act matapos ang walong taong paulit-ulit na pagtatangka nating isulong ito sa lehislatura.

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang UHC Act noong Miyerkules, kasama ang iba pang importanteng batas na patungkol sa ekonomiya, local government, SSS members at sa larangan ng sports.

 Proud kami ng asawa kong si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto na dalawa sa mga bagong batas na ito – ang UHC Act at ang Social Security Act of 2018 – ay parehong kami ang principal author sa Senado at sa House of Representatives.

Parehas malapit sa puso namin ni Vi ang makikinabang sa 2 batas na ito kaya’t tinutukan at inalalayan namin ang bawat hakbang na tinahak nito sa legislative process. Hindi namin magagawa ito kung wala ang kooperasyon ng PhilHealth at Department of Health para sa UHC Act, at ng SSS para sa SSS Act of 2018, sa mga datos na hiningi namin at maraming oras na ginugol sa pakikipag pulong. Di rin matatawaran ang nagawa ng mga chairpersons at sponsors ng 2 batas na sina kina Senators JV Ejercito at Rep. Helen Tan (para UHC Act), at Richard Gordon at Rep. Enrico Pineda (sponsors ng SSS Act) at sa lahat ng kasamahan naming senador at congressmen na bumalangkas upang makabuo ng magandang version ng UHC Act at SSS Act.

Sa ilalim ng UHC Act, lahat ng Pilipino ngayon ay automatic na PhilHealth member na, hindi ka man regular na nagko-kontribusyon sa Philhealth. Sa madaling salita, may access na sa pagpapagamot ang bawat taong may nararamdamang sakit sa kalusugan, kaisipan, nangangailangan ng emergency treatment, kasama na rin ang dental services at gamot para sa mga out-patient.

Karamihan sa mga may kayang bansa sa buong mundo ang may umiiral na universal healthcare system bilang pagtangkilik sa kanilang mamamayan. Noong una’y parang isang malaking pangarap lamang ang magkaroon ng ganitong sistema para sa mga Pilipino sapagkat wala pa tayong kakayahang tustusan ang ganito kalaking proyekto.

Subalit dahil gumanda ang takbo ng ating ekonomiya at maganda rin naman ang financial status ng PhilHealth, naisakatuparan natin sa wakas ang isang UHC law.

Ginandahan natin ang benefit package ng UHC at binawasan ang gastusing manggagaling sa bulsa ng mga Pilipino. Kasama rin sa improvement ang pagsasa-ayos ng mga health facilities at buong health system ng bansa.

Pinayagan rin natin ang Social Security Commission na palawigin ang kapasidad na i-invest ang pension fund sa mga business opportunities na malaki ang kikitain at magreresulta sa paglago ng pondo. Sa ganitong paraan, mas malaking benepisyo ang mananaog sa mga miyembro at pensioners.

Ilan lamang ito sa mga benepisyong matatamasa ng mga miyembro ng PhilHealth at SSS, alinsunod mga bagong batas na ipatutupad.

All rights and copyright belongs to author:
Themes
ICO