Philippines

Philhealth claim sa ibang sakit malaki nabawas

Marami ang hindi nagpapatingin ng kanilang mga karamdaman simula ng nagkaroon ng COVID-19 pandemic dahil sa kakulangan ng pera, mobility restriction o sa takot mahawa sa sakit sa mga ospital.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, kumonti ang dami ng mga claim na tinanggap ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa mga sakit tulad ng cancer, diabetes at hypertension simula nang magkapandemya.

Sabi ni Chua, mahigit 75% ang binaba ng mga medical claim para sa cancer, diabetes at hypertension noong Setyembre 2020 kumpara sa mga natanggap nito noong Setyembre 2019. Kung nasa 250,000 ang mga claim para sa mga sakit na ito noong 2019, mahigit 50,000 na lamang ang naitala nitong 2020.

Ayon pa sa presentasyon ni Chua, kumonti rin ang mga PhilHealth claim para sa bronchitis, asthma, dengue, sakit sa puso, pneumonia, stroke at tuberculosis nitong 2020 kumpara sa mga natanggap nito noong 2019. (Eileen Mencias)

Football news:

Two fans arrested for homophobic chants at the Man City - Burnley match
Barcelona has no plans to return Dani Alves, as he will take away playing time from Desta and Mingesa
You walk, and I fly. Zlatan about hitting through himself in the match with Verona
Lille coach: Benzema is an outstanding player. This is what is needed for the Golden Ball
Sandro Wagner: Messi didn't deserve the Golden Ball. Chiellini is the favorite, followed by Lewandowski
Gary Neville: Manchester United stars don't plow like de Bruyne, Mane, Bernardo and Firmino. They lack such a work ethic
Salah turned into Messi. Lineker on Liverpool forward