Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

PNP kasado seguridad sa mga SONA raliyista – Acorda

Hindi hahadlangan ng Philippine National Police ang mga nais magsagawa ng kilos protesta kasabay ng pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Batasan Pambansa Complex sa Quezon City.

Ayon kay PNP chief General Benjamin Acorda Jr., magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga raliyista ngunit nilinaw nito na kinakailangan maging maayos at mapayapa ang mga kilos protesta.

Sinabi pa ni Acorda na magsasagawa rin sila ng dayalogo sa mga kinatawan ng lahat ng grupong lalahok sa rally kasabay ng SONA upang matiyak ang kaayusan nito.

Nais ng PNP na isagawa ang mga kilos protesta sa mga itinakdang freedom park alinsunod sa batas.

“We will also reach out to representatives of all groups who are planning to stage protest rallies during the event. I am hopeful that we can arrive at a consensus, where they can exercise their freedom of peaceful assembly and freedom of expression but without prejudice to the security measures we intend to adopt,” wika ng PNP chief.

Bahagi aniya ito ng mga ginagawang paghahanda ng PNP para matiyak ang seguridad para sa pangalawang SONA ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Acorda, kasado na ang mga paghahanda para siguruhing magiging mapayapa at maayos ang lahat kabilang na ang mga posibleng senaryo at mga contingency plan ng PNP sa loob at labas ng Batasan Pambansa Complex.

Inaasahang magpapakalat ng kapulisan sa araw ng SONA at sa ilang lugar pa sa National Capital Region para bantayan ang seguridad.