Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

PSA Achiever ng Setyembre: Biado, Tabuena, Obiena pasiklab

MULING nagpakilala ang bilyar bilang gold mine ng Philippine sports matapos magwagi si Carlo Biado sa 2021 US Open Pool Championship at pamunuan ang mga Pilipinong atletang nagtagumpay upang mapabilang sa Philippine Spoetswriters Association (PSA) Achiever sa buwan ng Setyembre kasama sina golfer Miguel Tabuena at pole vaultet EJ Obiena.

Si Biado, na world 9-ball kingpin noong 2017, ang nagbigay sa Pilipinas sa una nitong US Open crown sapol na iuwi ng tinaguriang ‘The Magician’ na si Eften ‘Bata’ Reyes ang kaparehong tropeo may 27 taon na ang nakalipas.

Halos 24 oras matapos manalo si Biado, si Tabuena naman ang nagtala ng breakthrough nito na panalo sa Idaho, U.S.A.

Ang Rio Olympics veteran ay nagtala ng tour-de-force performance sa Idaho Open sa isinagawa na 14-under 196 na tinampukan ng matinding 63 sa second round upang talunin si Brad Marek ng Amerika sa apat na strokes na panalo sa 54-hole event.

Isa pang Olympian, ang Tokyo competitor na si Obiena, ang nagpainit sa mga Pilipino sa pagtatala ng kanyang pangalan bilang bagong Asian pole vault record-holder of all time.

Ang World No. 5 na si Obiena ay nalampasan ang 5.93 metro sa kanyang ikatlong tangka upang selyuhan nito ang panalo sa 17th Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria habang tinabunan ang matagal na standing Asian mark na 5.92m ni Kazakhstan Igor Potapovich na naitala sa France noong 1992. (Lito Oredo)