Philippines

Right move si ‘Pacman’

Nagdesisyon na ang kampo ni Senator Manny Pacquiao, ang kasalukuyang World Boxing Association (WBA) welterweight titlist, na ibalato na ang mga natitirang buwan ng 2020 at hindi na muna muling lalaban.

Ang dahilan, ang wala pa ring lunas na coronavirus na pinangangambahang makahawa pa sa mga miyembro ng kanyang training team at mga manonood ng laban (kung meron man), pati na rin ang mga Pinoy na makikiselebra sakaling magwagi ang ‘Pambansang Kamao’.

Ayon mismo sa malapit na kaibigan at chief trainer ni Pacquiao na si coach Buboy Fernandez, pahinga na muna sa suntukan ngayong 2020 si Pacquiao.

Sa ganang atin, right move ang desisyong ito ng kampo ni Senator Manny.

Hindi nga naman makatwiran na ilagay sa alanganin ang buhay at kaligtasan ng mga taong magiging bahagi ng preparasyon at mismong laban dahil wala pa ring lunas sa nakamamatay na virus.

Pinakamahalaga pa rin ang buhay.

Huling dinig natin, malapit nang ilabas ng bansang Russia ang vaccine kontra COVID-19 dahil tapos na nila ang kanilang last stages ng clinical trials.

Sana nga totoo na ito.

Ang ibang bansa, malapit na ding matapos ang huling bahagi ng mga clinical trial.

Kapag nagkaroon na ng gamot, na idinadalangn nating lahat, tiyak unti-unti na rin tayong babalik sa normal.

Sa ngayon, abala muna ang ‘Pambansang Kamao’ sa kanyang trabaho bilang padre de pamilya at senador.

Patuloy din itong tumutulong sa ating mga kababayan, may pandemya man o wala.

Mabuhay ka Senator Manny!

Football news:

Liverpool will buy Jota for 41 million pounds. Wolverhampton will pay up to 13.5 million for Hoover
8 is Bavaria's favorite number. Now she beat Schalke: Gnabry scored a hat-trick, Sane scored 1+2, Lewandowski came up with an assist by rabona
Liverpool agreed a 5-year contract with Jota. The transfer amount could be 43 million euros
I left everything and went to the other side of the world for my favorite team. The heartwarming story of a Norwegian fan in love with Santos
Lewandowski scored in the 1st round of the Bundesliga in 7 seasons and repeated the championship record
Gnabry scored a hat-trick against Schalke
Lewandowski scored for Schalke in their 10th Bundesliga game in a row. This is a League record