Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sab inamoy ang panty

NI: ROLDAN CASTRO

Palaban si Sab Aggabao.

Siya ay bagong Viva Artist na ilulunsad bilang Pambansang Pantasya sa Vivamax via ‘Pornstar 2 (Pangalawang Putok)’.

Siya ang pinakabunso at pinasariwa na na-recruit sa naturang pelikula. Ang magiging coach niya ay si Maui Taylor.

Sa panayam ng Tonite L na L ng Abante Tonite, inurirat siya kung matatalbugan ba niya o mapapantayan ang kasikatan ng Vivamax Queen na si AJ Raval?

“Actually nauna si AJ kesa sa akin. Matagal ko na siyang kaibigan.

“Depende po kung nabibigyan ako ng ibang project.Hindi ako nago-all throughtout kapag hindi siya concept ng script. Kung ano ang binigay sa amin dun kami nagi-stick kaya tinatanong kami kung hanggang saan ,” pakli niya.

May photo si Sab na na-post na tila nagpapatuyo ng panty.Sa totoong buhay ba ay inaamoy niya muna ang kanyang panty bago isuot?

Medyo maarte raw siya personal na gamit gaya ng bra at panty. Inaamoy raw niya ito kung mabango at malinis talaga.Kumbaga, tsini-check niya kung nalabhang mabuti.

Pag bagong hubad ba ‘yung panty inaamoy pa rin niya?

“Ay hindi na ho.Nilalagay ko na sa may laundy bag,” tumatawa niyang sagot.

Anyway, bukod sa Porn Star 2, kasama rin siya sa pelikulang ‘Crush Kong Curly.’