Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Senador barya abuloy sa nateging staff

Sino raw itong mambabatas na binusalan ang pamilya ng staff na namatay may ilang buwan na ang nakaraan?

Kuwento ng impormante ni Mang Teban, namatay sa lying-in clinic ang staff dahil sa komplikasyon sa panganganak.

Tinipid daw kasi ng mambabatas sa benepisyo ang staff, walang binigay na health card upang makalibre sa check-up at para ma-admit ito sa ospital sa kanyang panganganak.

Noong dadalawin ng mga kaibigan ang namatay na staff, sinabihan daw ng kampo ng mambabatas ang naulilang pamilya na huwag magkukuwento tungkol sa sahod at benepisyo ng namayapang staff.

Eh paano ba naman kasi, kahit ilang taon nang nagtatrabaho ang babae sa opisina ng mambabatas, aba’y mataas lang ng kaunti sa minimum wage ang sinasahod nito as in binarat talaga.

Maliit na nga ang suweldo, tambak pa ang trabaho at kung minsan ay pinagdu-duty sa labas ng Metro Manila kahit weekend.

Noong namatay ang staff, nag-abuloy naman ang mambabatas pero dismayado pa rin ang pamilya dahil karampot lang ito gayung napakayaman ng lawmaker.

Clue: Ang mambabatas na nag-abuloy ng karampot sa namatay na staff ay hindi na tatakbo sa kaparehong posisyon sa 2025 election.