Philippines

Sheryl Cruz, sasabak sa pulitika?

By Rowena Agilada

TINIYAK ng isang taong malapit kay Sheryl Cruz na sasabak na ang aktres sa pulitika. Kakandidato diumano si Sheryl bilang konsehal sa isang distrito sa Tondo, Manila.

sheryl

Taga-Tondo ang namayapang ama ni Sheryl, ang dating matinee idol na si Ricky Belmonte.

Ayon sa source, kasama si Sheryl sa binubuong line-up ng mga kakandidatong konsehal sa ilalim ng partido ni Mayor Joseph Estrada.

Sa October ang filing ng candidacy and by that time makukumpirma kung tatakbo nga si Sheryl sa May 2019 local elections.

Identical tattoos

May identical tattoos si Rocco Nacino at girlfriend Melissa Gohing. Nasa right ankle ang kay Rocco, samantalang nasa left ankle ang kay Melissa.

Ang kilalang “mambabatok” (traditional tattoo artist) na si Whang Od ang naglagay ng stick figure tattoos kina Rocco at Melissa.

Natatandaan namin na noong together pa sina Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto ay nagpa-tattoo sila ng kanilang pangalan sa kani-kanilang ankles. Unfortunately, naghiwalay sila.

Noong together pa sina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz ay nagpa-tattoo si Romnick sa kanyang braso ng pangalan ni Sheryl. Unfortunately, naghiwalay din sila.

Ginawa rin ‘yun ni Robin Padilla na nagpa-tattoo ng pangalan ni Sharon Cuneta noong together pa sila. Naghiwalay din sila.

Huwag naman sanang mangyari ‘yun kina Rocco at Melissa.

Pasaway

Pasaway at unprofessional ang image ni Jackie Rice noong bago pa lamang siya sa showbiz.

Produkto siya ng “Starstruck” at ayon kay Gina Alajar na isa sa mga naging mentor ni Jackie, hindi ito seryoso sa career.

Magka-work ngayon sina Gina at Jackie sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” na ayon kay Alajar, malaki na ang ipinagbago ni Jackie. Professional at seryoso na ito sa trabaho.

Postponed

Napostpone ang bakasyon sa Japan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Sobrang busy kasi sila sa kanilang trabaho.

All-expense paid trip to Japan ang birthday gift ni Miguel kay Bianca noong nakaraang 18th birthday ng dalaga. Dream vacation ‘yun ni Bianca at first time niyang mag-a-abroad.

comments

Football news:

Muniain about athletic-real: we See what is happening, in favor of which team everything is going
I stepped on Raul Garcia's foot, but I don't think it affected anything. ^ . Real Madrid Defender Sergio Ramos commented on the episode of the match of the 34th round of La Liga with athletic
Photo of the day: Kvyat and 4 other Formula 1 drivers refused Kaepernick's gesture before the restart
Courtois played 17 dry games for real in the La Liga season. This is the best overall result in 25 years
Sergio Ramos: it's not the referees who win or lose La Liga
The banner of Labor player was struck by lightning in training. They say there were no visible signs of a thunderstorm (this happens)
Ex-referee Andujar Oliver: Marcelo stepped on his foot. It's a penalty