Philippines
This article was added by the user Anna. TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Siri, Astros rumesbak

GINASOLINAHAN ni rookie Jose Siri ang Houston Astros sa 7-2 win laban sa Atlanta Braves para itabla sa 1-1 ang World Series Miyerkoles ng gabi sa Minute Maid Arena.

Sa isang play, nag-dive sa home plate si Siri para umiskor, mabilis na tumayo at pinakita ang muscles ng braso bago humiyaw.

Nag-deliver si Jose Altuve ng leadoff double bago umiskor sa first inning, dinagdagan pa ng solo homer sa seventh. Nilista ni Altuve ang 22nd career postseason homer, pinantayan sa second-most si Bernie Williams sa likod ng 29 ni Manny Ramirez.

Sinindihan ni Siri ang four-run second inning ng Houston.

Solido ang five innings ni Astros starter Jose Urquidy, tagumpay na napreserba ng bullpen. Nagbigay lang ng pinagsamang one-hit ball sina relievers Christian Javier, Phil Maton, Ryan Pressly at Kendall Graveman sa loob ng four scoreless innings.

Lipat ang best-of-seven sa Atlanta, i-ho-host ng Braves ang susunod na tatlong laro umpisa sa Game 3 bukas, Sabado (araw sa Manila).

Unang isasalang ng Braves si Ian Anderson laban kay rookie Luis Garcia. (VE)