Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Squatter sa Taguig nilamon ng apoy

Umakyat na sa ikatlong alarma ang insidente ng sunog na sumiklab sa isang residential area sa barangay North Daang Hari sa Taguig City kahapon ng hapon.

Ayon sa isang residente, napansin niyang kumukurap-kurap ang kanilang ilaw kaya lumabas ito ng bahay at nakita na malaki na ang apoy sa kalapit-bahay.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan.

Nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil maliit ang mga kalsada.

Habang isinusulat ito ay patuloy pa rin ang pagliyab ng apoy sa mga kabahayan duon. (Betchai Julian)