Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Sumama lahat sa TVJ: Dabarkads, staff nilayasan TAPE-Jalosjos

Hindi lang ang Tito, Vic and Joey ang mawawala sa poder ng TAPE Inc., dahil ang buong production staff, creatives at pati ang mga host tulad nina Jose Manalo at Wally Bayola ay kumalas na rin sa production company ng mga Jalosjos.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Abante Tonite, naghain ng courtesy resignation ang lahat ng empleyado ng ‘Eat Bulaga’ para sumama kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Kasama na diyan ang mga host tulad nina Maine Mendoza, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, at iba pa.

Ang hindi lang umano naghain ng resignation ay si Alden Richards dahil talent naman ito ng GMA-7 at hindi hawak ng TAPE.

Isa pa sa tinitingnan ng mga host ng ‘Eat Bulaga’ ay ang posibleng paghahain ng demanda kontra sa TAPE, Inc. na hawak ng pamilya Jalosjos.

Ito’y upang ireklamo ang production company dahil sa umano’y hinaing ng karamihan ng empleyado tungkol sa problema sa pasahod.

Batay pa sa source, posibleng tama ang mga naglalabasang report na sa TV5 ang susunod na destinasyon ng ‘Eat Bulaga’ kung saan kasama pa rin ang legendary trio na TVJ.

Matatandaan na may mga usap-usapang nakikipag-usap na ang mga taga-EB sa may-ari ng Brightlight Productions, na blocktimer sa TV5.

Sa ngayon ay bakante muna ang ‘Eat Bulaga’, at hindi pa alam kung kailan sila muli magbabalik sa ere.

Naikwento rin ng source ang umano’y tangkang pananabotahe sa ‘Eat Bulaga’ sa kanilang huling salang sa ilalim ng TAPE Inc.

Mapapansin sa live noong nagsasalita na si Tito ay biglang nagloko ang audio, kung saan una nang sinabi ng dating Senate President na pinigilan na daw sila ng production company na mag-live kaya replay lang ang inere bago ang kanilang pamamaalam.

Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang relasyon ng TAPE Inc. at ng TVJ noong bumaba sa pwesto si Tony Tuviera bilang presidente at CEO ng naturang production company, at mga Jalosjos na ang umupo bilang opisyal.

Doon nagsimulang malantad ang utang sa talent fee ng TAPE kina Vic Sotto at Joey de Leon, pati na rin umano sa ibang dating host tulad ni Anjo Yllana.

Mananatiling bukas ang mga pahina ng Abante TONITE kung nanaisin ng mga opisyal ng TAPE Inc. na magbigay ng kanilang panig kaugnay ng mga isyung nabanggit.

See Related Stories:

Willie ipalit kaya ng TAPE, Inc. Sa TVJ?

TVJ, ‘Eat Bulaga’ ober da bakod

TVJ nakikipagtikisan sa mga Jalosjos 

Jalosjos pinaasa TVJ sa ‘Eat Bulaga’

Walang lalayas sa `Eat Bulaga’: Jalosjos tiklop sa hirit ng TVJ