Philippines

Tongpats ng Pharmally klaro sa ebidensiya – Hontiveros

Maaring sampahan ng mga kasong kriminal at administratibo ang mga sangkot sa kuwestiyonableng transaksiyon ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Sinabi ng senador na masampahan ng kasong paglabag sa graft and corruption at gross negligence ang mga sangkot sa pagbili ng gobyerno ng diumano’y overpriced na medical supply mula sa Pharmally.

“Habang nadadadagdagan ang aming ebidensiya sa overprice at pag-award ng mga kontrata sa `di karapat-dapat na kompanya ay maaaring madagdagan pa ang aming rekomendasyon sa mga kasong kriminal at administrative na puwedeng ihain,” sabi ni Hontiveros sa isang panayam sa radyo nitong Linggo.

Nauna nang sinabi ng mga senador na maaaring pinaboran ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ang Pharmally dahil sa diumano’y koneksiyon ng kompanya kay dating presidential economic adviser Michael Yang.

Sa paniwala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, umabot sa P10 bilyon ang supply deal na nakuha ng Pharmally mula sa PS-DBM noong 2020. Ito’y sa kabila nang mahigit lang sa P625,000 ang paid up capital ng Pharmally.

Sabi naman ni Hontiveros, binigyan pa ng gobyerno ng special treatment ang Pharmally dahil pinagamit ang barko ng Philippine Navy para sa pagdeliber ng mga overpriced na medical supply.

Ani Hontiveros, ang paggamit ng barko ng Navy ay kinumpirma ng isang opisyal ng PS-DBM at nai-record ni Drilon.

“Klarong `di talaga sila puwedeng magdahilan na everything was by the book, walang maling nangyari d’yan,” dagdag pa ni Hontiveros. (Dindo Matining)

Football news:

Conte is ready to lead Manchester United, but wants a 3-year contract
Mike Richards: At Manchester United, everyone wants to be the main star, not run and take the ball away. This is not a team
Modric about 400 games for Real Madrid: Everything is fine from the very beginning. Fulfilled his dream - to play here
Neville about Solskjaer: I didn't think that Manchester United fans would turn away from me because of the support of the one who won the Champions League for us
Sulscher, after 0:5 from Liverpool, told the players that they had to fight and called them to unity
Wanda Nara returned to Icardi after he agreed to a divorce
Uli Hoeness: Luca Hernandez should go to jail because of what happened many years ago. Utter nonsense, it's his wife