Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Vice ‘di pakakabog kina Tito, Vic, Joey

Dahil nagpaalam at kumalas na sina Tito, Vic at Joey sa new management ng TAPE, Inc. malakas ang bulung-bulungan na any moment ay lilipat na sila sa TV5.

Ayon sa tsika, amost done deal na raw kasi ang usapan ng troika kay Congressman Albee Benitez na siyang magpo-produce ng kanilang show bilang blocktimer sa Singko.May tsismis din na 3 ang sanib-puwersa na magpoprodyus ng kanilang show.

Dahil nauuso na ang collaboration between networks, may mga tsikang lumulutang na posibleng maging pre-programming ng “It’s Showtime” ang “Eat Bulaga.”

Nangyari na kasi ito noon sa kaso ng “Tropang LOL” na umere sa 11 am slot ng Kapamilya network bilang part ng deal ang ABS-CBN at TV-5.

Hirit naman ng industry observers , hindi raw naman imposibleng mangyari ito kaya naman parang ‘déjà vu’ lang dahil once na itong nangyari sa “It’s Showtime” nang maging pre-programming nito ang “Tropang LOL” lalo na’t pareho naman ang kanilang producer.

Sey naman ng kibitzers, ano raw kaya ang magiging reaksyon ni Meme Vice?

For sure, hindi raw pakakabog o pasasapaw ito kina Tito, Vic at Joey lalo na’t na-regain na nito ang kanilang noontime spot.

Matatandaang sa vlog ni Vice Ganda, nag-rejoice ang unkabogable star nang maibalik sa noontime ang kanilang musical variety show.

Katunayan, sey pa nga ng co-host niyang si Anne Curtis, the 12 noon timeslot is where they truly belong.

Kakaiba rin ang energy ni Vice nang manumbalik sa dating timeslot ang kanilang show.

Naging mas ganado rin itong magtrabaho at hindi na ito kadalasang nag-aabsent sa show.

Ngayon, abangers na lang ang mga Marites kung ano ang susunod na kabanata sa bagong development na ito. May tsismis din na malapit nang mag-expire ang contract ng ‘It’s Showtime’ sa TV5.

(Archie Liao)