Philippines

Walang miron sa balik sabong

Zero audience ang isa sa mga iminumungkahi ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham Kahlil Mitra para mapagbigyan ng gobyerno na magbukas na ang sabungan.

Ipinaliwanag ni Mitra, na isa ring breeder, ang mga posibleng mangyari sa loob ng sabungan sakaling tugunan ng Inter-Agency task Force ang proposal ng GAB tungkol sa balik sabong.

Magandang balita para sa mga breeder at sabungero dahil parang naliliwanagan na ang IATF na puwedeng magkaroon ng zero audience sa sabong.

“Nagkaroon tayo ng presentasyon, sabong zero audience at mukhang nagustuhan nila, kailangan lang po na i-validate at upuan ‘yung data na P50B industry, 1,200 cockpits hindi sila naniniwala pa. Pero malapit na po at maibibigay na natin ‘yung mga data at sana makapagdesisyon na sila,” hayag ni Mitra sa interview ng Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” nitong Linggo.

“Ang iniiwasan ay siksikan, social distancing dapat, wala na ‘yung upuan na magkakadikit, siksikan ng mga tao, wala nang sigawan ng pusta, kasi ‘yun ang ayaw ng IATF.”

Mensahe pa ni Mitra, tiis muna, paisa-isa lang hanggang sa maging normal na ang lahat. (Elech Dawa)

Football news:

Barcelona will try to hire defender Athletic Nunes if Garcia's transfer fails
Havertz scored the first goal for Chelsea
Di Maria suspended for 4 matches for spitting in the direction of Alvaro Gonzalez
Each Real Madrid player refused a bonus of 1 million euros. This is a serious help - it will be easier for the club to survive the crisis
Rashford to the mayor of London: I do everything for Liverpool as much as I do everywhere else. It's more football and politics
Neuer on Goetz: I think Mario can flourish in Bayern, he's in good shape
Frank de Boer led the Netherlands national team. Contract - for 2 years