Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Willie ipalit kaya ng TAPE, Inc. Sa TVJ?

Tuluyan nang nagpaalam sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TAPE, Inc.

Hindi naman nakapag-live ang ‘Eat Bulaga’ kahapon sa GMA-7 dahil hindi nga raw sila pinayagan ng kanilang producer at nag-replay na lang ang nasabing noontime show.

Pero sa live streaming nila sa Facebook, nagawa naman nilang kausapin ang kanilang avid viewers at tuluyan na silang nagpaalam.

Nilinaw nga ni Tito na hindi sila pinayagang makapag-live ng Tape, Inc.

Nagbigay rin ng mensage ng pamamaalam sina Joey at Bossing Vic na ikinaglungkot ng lahat.

Kaagad kumalat ang video ng live stream pamamaalam ng Tito, Vic, Joey, at ng mga kasama nilang Dabarkads kaya nag-trending sila.

Sobrang affected din ang lahat ng mga nakakausap namin dahil sa mala-teleseryeng pangyayari sa longest running noontime show ng Pilipinas.

Pero abang-abang na lang tayo kung talagang dadalhin ng TVJ ang ‘Eat Bulaga’ sa TV5.

Samantala, narito naman ang official statement ng GMA-7 tungkol sa mga pangyayari sa ‘Eat Bulaga’, TVJ, at TAPE, Inc.

“GMA NETWORK STATEMENT ON EAT BULAGA

“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to ‘Eat Bulaga’. GMA has been the home of ‘Eat Bulaga’ for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.

“Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

So dahil may kontrata pa nga ang TAPE, Inc. sa Kapuso Network, nangangahulugan ba na hanggang sa end of 2024 ay may noontime show pa rin sila sa Siyete?

Pero kung dadalhin nga ng TVJ ang ‘Eat Bulaga’ sa TV5, ano kayang show ang ipapalabas ng TAPE, Inc.?

Magkatotoo kaya ang duda ng iba na baka kunin ng TAPE, Inc. si Willie Revillame?

Well… well… well…

See Related Stories:

TVJ, ‘Eat Bulaga’ ober da bakod

TVJ nakikipagtikisan sa mga Jalosjos 

Jalosjos pinaasa TVJ sa ‘Eat Bulaga’

Walang lalayas sa `Eat Bulaga’: Jalosjos tiklop sa hirit ng TVJ

TVJ ‘di babu sa ‘Eat Bulaga’