Pagkatapos na lumabas ang balita tungkol sa engagement ni LJ Reyes sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, sinabi ni Paolo Contis na happy siya para sa ex.
Sa panayam ni Nelson Canlas sa kanyang podcast na ‘Updated with Nelson Canlas’, hindi na nangiming sagutin ng Kapuso actor ang tungkol kay Yen Santos na siyang rumored dyowa ngayon ng ‘Just In’ host.
Aniya, mula raw kasi nang kumalat ang tungkol sa hiwalayan nila ni LJ noon, marami nang nagsanga-sangang espekulasyon.
Katunayan, hinusgahan daw siya noon at umani ng samu’t-saring batikos sa social media.
Maging ang mga kaibigan daw niya sa showbiz ay nilayuan siya.
Tanging ang kaibigan daw niyang si Yen ang nakakaunawa sa kanya, at nag-stay rin sa kanya.
Ito raw ang dahilan kung bakit mahal niya ang aktres na nakasama niya sa Netflix movie na ‘A Faraway Land’.
“Sobrang simpleng bagay lang. When the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to tell me or to leave but she stayed,” paliwanag ni Paolo.
Dagdag pa niya, hindi raw naging madali para kay Yen na madawit sa nasabing kontrobersya.
Naging dahilan din daw iyon para mamahinga muna ang aktres sa social media.
Matatandaang sa naging panayam noon kay Paolo ng King of Talk na si Boy Abunda sa YouTube channel nito, sinabi ni Paolo na hindi si Yen ang naging sanhi ng hiwalayan nila ni LJ.
Well….